Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota (Isang Suring-Basa)

Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota
(Mga Anekdota mula sa Iran)
ni M. Saadat Noury
Halaw at salin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida


1. PAGKILALA SA MAY-AKDA

M. Saadat Noury, isang Iranian na may-akda. Ipinanganak noong 1939 sa Tehran, Iran. Anak ni  Hossein Saadat Nouri at ni  Saltanat Aryan. Nag-aral ng Journalism at DVM sa Tehran University, Human Nutrition sa Columbia University sa US, PhD degree in humanity sa Vanderbilt University. Sumulat ng mga librong "Human Nutrition", "Experimental Nutrition". Marahil ito and dahilan kung bakit niya naisulat and akdang ito ay dahil interesado siya sa Iraniang si Mullah Nassr-e.




2. URI NG PANITIKAN

Ang uri ng panitikan ng mga sinulat na kwento ni Noury ay anektoda. Ang anekdota ay naglalarawan sa isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao na nagiiwan ng aral sa buhay. Sa panimulang pangungusap ng anekdota ay may nakakaaliw at masining na pagkakalahad upang ang magbabasa o tagapakinig ay makaramdam ng pananabik. Ang anekdota rin ay pumapaksa ng mga karanasan na may iba"t ibang emosyon.



3. LAYUNIN NG AKDA

Layunin ng akda na ipakilala si MND o Mullah Nassr-e Din bilang isang pilosopo na nagpakadalubhasa sa paggawa ng anekdota. Libu- libong nakakatawa at pagi-isipang mga kwento ang sinasabing, isinulat ni MND. Layunin rin ng akda na manghikayat sa pag-gawa ng anekdota sapagkat binigyan tayo ng halimbawa ng mga katawa-tawa at kawili-wiling anekdota na ginawa ni MND.



4. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang paksa ng akda ay patungkol sa isang Iranian na magaling magkwento ng katatawanan at ang pinakaunang gumawa ng anekdota sa Iran. Makabuluhan ang akda sapagkat ipinapakita sa mga mambabasa hindi lang kung gaano kaganda at kawili-wiling basahin ang anekdota bilang isang panitikan kundi rin ipinakikilala ang pilosopong pagkatao ng naglalahad at napakahusay gumawa ng mga anekdota (Si MND).



5. MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

Mullah Nassreddin
Si Mullah Nassreddin, o mas kilala sa daglat na MND, ay isang pilosopo sa Iran. Tinaguriang pinakamagaling sa pagkwekwento ng katatawanan at ang pinakaunang iranian na nagpakadalubhasa sa paggawa ng mga anekdota.




6. TAGPUAN/ PANAHON

Sumikat si Nassredin noong kapanahunan niya dahil sa kanyang mga kwentong katatawanan. Ang mga sinulat niyang kwento ay nagpasa-pasa sa mga sumunod na henerasyon at ngayon ay kinekwento na rin ang mga ito sa mga tahanan, barberya at mga tea house.



7. NILALAMAN/ BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Ayon sa akda, ang paksa ay umiikot lamang sa buhay at katauhan ni MND , Una, ay pinakilala si MND bilang isang magaling na tagapagkwento ng katawa-tawa at bilang isang unang Iranian na nagpakadalubhasa sa pagsulat ng anekdota, sa huli ng akda ay nagbigay ng 2 halimbawa ng anekdota na isinulat ni MND . Ito ay sukatin mo at sino ang mas papaniwalaan mo.



8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

  • Minsan, kailangan ng mga anekdotang ganito upang hindi malimutan ang mga taong malaki and naiambag sa mundong ito.
  • Hindi laging binibigay ang mga sagot ng diretso, minsan kailangan mong pag-isipan at madiskubre and sagot ng sarili mo upang mas lalo mong pahalagahan.
  • Hindi lahat ng mga sinasabi ay dapat na literal ang pagkakaisip dito, isa lamang itong paraan para mapaisip ka ng mas malalim



9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/ TEORYANG PAMPANITIKAN

Epektibo ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita sa akda sapagkat napakilala ng maayos at mahusay si MND , at ang akda ay may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa sapagkat dinagdagan ni M.Saadat Noury ang akda niya ng mga anekdota na isinulat ni MND at ito'y nakaapekto sapagkat nakakapukaw ito ng atensyon dahil ito'y katawatwa at nakakawiling basahin. Ngunit, masasabi natin na mahirap maintindihin kung sino ang nagsulat at kung sino ang isinulat sapagkat sa akda ay hindi malinaw kung bakit nagsulat ng akda si M. Saadat Noury patungkol kay MND at hindi rin malinaw kung bakit gumagawa si MND ng mga anekdota na sya ang pangunahin tauhan.



10. BUOD

Mullah, ang unang iranian na dalubhasa sa anekdota ay isang akda na isinulat ni M.Saadat Noury . Si Mullah Nassr-e Din, o mas kilala sa daglat na MND, ay ang tagapagkwento ng mga katatawanan .Libu- libong anekdota ang isinulat ni MND na mananatili sa isipan ng mga batang Iranian. Natagurian si MND bilang isang una at ang pinakamagaling na Iranian sa paggawa ng anekdota at sa pagkwento ng katatawanan. Bagama't ang pagkamamamayan ay inaangkin ng maraming bansa . Ang mga kwento ni MND ay binubuo ng isa sa mga di-pangkaraniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika, pilosopiya tungkol sa buhay at kaalaman. Ang mga ito ay nagpasalin salin dila at hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin.
Nagbigay ng 2 anekdota sa akda na isinulat ni MND, ang 'Sukatin mo' na patungkol sa isang tao na nagtanong sakanya kung nasaan ang sentro ng kalawakan, at itinuro ni mullah ang likod ng kabisada ng kanyang buriko, at ng hindi naniwala ang nagtanong , sinabi ni Mullah sa kaniya na sukatin niya ito. Ang isa naman ay 'Sino ang Iyong Paniniwalaan', kung saan pinapili ni Mullah ang kanyang kapitbahay kung sino ang paniniwalaan nito, si Mullah ba o ang kanyang buriko.


Comments

Popular posts from this blog

Paglisan (Group 8)

Ang Munting Prinsipe (Pangkat 6)

Bawal ang Anak na Lalaki, Isang Epiko mula sa Congo