Ang Munting Prinsipe (Pangkat 6)

ANG MUNTING PRINSIPE
isinalin ni Desiderio Ching
Na isinulat ni
Antoine de Saint-Exupéry
Sinuri ng Pangkat 6 mula sa 10-Chlorine


v PAGKILALA SA MAY AKDA:
Antoine de Saint-Exupéry (Hunyo 29, 1900 Hulyo 31, 1944)
- Ipinanganak sa Lyon, France noong ika-19 ng Hunyo, 1990
- Nakapagtapos mg pag-aaral sa Sainte-Croix-du-Mans at Sumubok sumali sa Navy sa Switzerland.
- Hinirang bilang "Pambansang Bayani ng Pransya".
- Naging isang Piloto kasabay ng kaniyang hilig sa pagsulat.
- Siya ay isang Pranses na manunulat, makata, aristokrata, mamamahayag, at pioneering aviator. Siya ay naging isang laureate ng maraming pinakamataas na literary awards ng France at nanalo rin ng U.S. National Book Award.

v URI NG PANITIKAN:
Nobela
- Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

v LAYUNIN NG AKDA:
Ang layunin ng akda ay may ipahayag na ang ang puso lamang ang nakakakita ng tama at kung ano ang mahalaga. Layunin din nito na ipahayag ang aral tungkol sa kahalagahan ng pagkakaibigan.

v TEMA NG AKDA:
Ang pangunahing tema ng "Ang Munting Prinsipe" ay ang kahalagahan ng pagtingin sa ilalim ng ibabaw upang mahanap ang tunay na katotohanan at kahulugan ng isang bagay. Ito ay ang soro na nagtuturo sa Prince upang makita ang puso ng isang tao sa halip na sa mga mata lamang. Sa kasamaang palad, ang karamihan sa mga may gulang ay nahihirapan sa paggawa nito. Sa simula ng aklat, itinuturo ng tagapagsalaysay kung paano hindi maaaring makita ng mga matatanda ang tunay na kahulugan ng pagguhit; sa halip, tinitingnan nila ang ibabaw, na hindi nakikita ang mas malalim na kahulugan.

v MGA TAUHAN SA AKDA:
Ang munting prinsipe - ang bida ng kuwento. May mabuting puso, may pag-unawa sa iba. Higit na mababa ang tingin niya sa kanyang sarili kaysa sa iba
Ang piloto - ang tagapagsalaysay sa kwento.
Alamid- ang naturo sa prinsipe ng napakahalagang bagay.
Iba pang tauhan:
- ang rosas
-ang hari
-ang mangangalakal
-ang tagasindi ng ilaw
-ang ahas
-ang bulaklak sa disyerto

v TAGPUAN/PANAHON:
Tagpuan
-disyerto ng Sahara
Panahon
- nang nasira ang makina ng eroplano ng piloto at ito ay bumagsak
-naligaw ang munting prinsipe

v NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
Balangkas ng Akda:
-pagkaka-aksidente ng tagapagsalaysay sa disyerto
-pagkakakilala niya sa munting prinsipe
-nagpaguhit ang munting prinsipe ng larawan ng tupa
-pagkwento ng munting prinsipe tungkol sa kanyang buhay
-paglalakbay ng munting prinsipe
-pagdating ng munting prinsipe sa Daigdig
-pagpapaalam ng munting prinsipe
-pagtatapos ng kwento

v MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA:
Ang kaisipan na nilalaman ng akda ay “Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga, puso lamang ang nakadarama.”

v ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/ TEORYANG PAMPANITIKAN:
Ang estilo na ginamit sa akda  ay ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:
Mailalapat ang TEORYANG HUMANISMO sa nobela. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag- aaral na kumikilala sa kultura. Ito ang humuhubog at lumilinang sa tao.
Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa wikang angkop sa akdang susulatin. 


Maaari din ang TEORYANG EKSISTENSYALISMO sapagkat mayroong kalayaang magdesisyon ang Munting Prinsipe para sa kanyang sarili. Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela, ang Eksistensyalismo ay nakikita sa mga tauhan o karakter na may kalayaang pumili para sa kanilang sarili. Taglay ng mga tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay kahinaan, upang hamunin o tanggapin ang resulta ng kanilang kalayaang pinili.

Maaari din ang TEORYANG MORALISTIKO sapagkat ang Munting Prinsipe ay tinuruan ni Alamid upang alamin ang kahalagahan ng pagtingin sa ilalim ng ibabaw upang mahanap ang tunay na katotohanan at kahulugan ng isang bagay.

Ang panghuling teorya na maaaring mailalapat sa akda ay ang TEORYANG KLASISMO sapagkat ang akda ay nailimbag noong 1943 at hanggang ngayon ay napapahalagahan pa rin ito at ating pinag-aaralan.
v BUOD:
Ang aklat na ito ay tungkol sa isang batang prinsipe na naninirahan sa isang napakaliit na planeta kasama ang tatlong bulkan, mga umuusbong na baobab, at isang bulaklak. Siya ay naglakbay sa iba’t ibang asteroid, kung saan nakilala niya ang hari na wala namang pinaghaharian, ang hambog na wala naman talagang tumitingala, isang lasengero, isang negosyante, isang taga-sindi ng ilaw, at isang heograpo, hanggang mapadpad siya sa Lupa, ang planetang pinaninirahan ng hindi mabilang na hari, hambog, lasenggo, negosyante at heograpo.
 Ito ang planeta kung saan abalang abala ang mga matatanda sa mga bagay na para sa munting prinsipe ay wala namang importansya. Ito rin ang planeta kung saan siya tumira nang matagal-tagal, at nakakilala ng ahas na magbabalik sa kanya sa planetang kanyang pinanggalingan, daan-daang mga rosas na hindi pumapantay sa ganda ng rosas na nagpaamo sa kanya, at alamid na kanyang pinaamo. Dito niya rin nakilala ang may-akda.

Comments

Popular posts from this blog

Paglisan (Group 8)

Bawal ang Anak na Lalaki, Isang Epiko mula sa Congo