Paglisan (Group 8)

                                                      PAGLISAN (Nobela mula sa Nigeria)
                                                                       Chinua Achebe
                                                     Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

I. Pagkilala sa may akda
     -Ang kanyang buong pangalan ay Albert Chinụalụmọgụa Achebe. Ipinanganak noong November 16 1930 sa Ogidi, British Nigeria. Namatay noong March 21  2013 sa edad na 82, sa Boston, Massachusetts, US. Naging isang Nigerian nobelista, makata, propesor at isang critic. Ang kanyang pinaka-kilala na nobela ay ang "Things Fall Apart" na pinakanabasa sa African na literatura. Nanalo sya ng Man Booker  International Prizer noong 2007.

II. Uri ng panitikan
     -Nobela - Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Marami itong layunin at isa rito ay ang maging inspirasyon sa mga mambabasa.

III. Layunin ng akda
     -Nais ipahayag ng akda na kahit gaano ka man kalakas o katapang, bayani man o ordinaryo lamang, kinabibilangan man sa matataas o sa mababaw lamang; may kanya-kanya parin tayong kahinaan sa buhay. Katulad ni Okonkwo na gaano man siya katapang, naipakita parin sa akda ang iba't-ibang suliranin na kanyang pinagdaanan at paano niya ito nalagpasan. Naipakita din dito na sa mga suliranin na iyon, may kahinaan parin si Okonkwo.

IV. Tema/ Paksa ng akda
     -Katapangan - ay ang kakayahan ng isang tao na harapin ang takot, hapdi, panganib, kawalan ng katiyakan, o intimidasyon (pananakot). May dalawang uri ng katapangan na ipinakita sa akda. (1) Ang katapangang pisikal ay ang katapangan habang may kinakaharap na kahirapang pangkatawan, pagbabata, kamatayan, o panganib na kamatayan. (2) Katapangang moral ay ang kakayahan na kumilos ng tama sa harap ng popular na oposisyon o pagsalungat, pagkapahiya, iskandalo, o pagkasira ng loob at panghihina ng kalooban, pati na ng kawalan ng pag-asa.

V. Tauhan
    -Ang pangunahing tauhan sa nobela ay si Okonkwo.
    *Okonkwo - isang matapang at respetadong mandirigma na nagmula sa lahi ng mga Umuofia. Isang hindi gaanong kilala at kalakihang tribo sa Nigeria.
    *Amalinze - ang pusang natalo ni Okonkwo noong sya'y labingwalong taong gulang pa lamang. Dito nagsimulang makilala ang katapangan ni Okonkwo.
    *Unoka - Ama ni Okonkwo
    *Ikemefuna - ang batang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagsundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Itinuring nito si Okonkwo bilang pangalawang magulang ngunit napatay rin sya nito sa huli.
    *Ogbuefi Ezeudu - isa sa matatandang taga-Umuofia, binalaan nito si Okonkwo patungkol sa lihim na pagplanong pagpatay sa batang si Ikemefuna na huwag makialam sapagkat isang ama na ang turing sakanya ng bata, ngunit nabigo ito ni Okonkwo sa huli.
    *Obierika - isang matulungin na kaibigan ni Okonkwo na pinaghingan nya ng payo patungkol sa pagkalungkot na kanyang nararamdaman pagkatapos ang pangyayaring pagpatay kay Ikemefuna. Tinulungan rin nito si Okonkwo sa kanyang buhay. Sya rin ang nagsabi ng huling mga salita patungkol kay Okonkwo noong ito'y namatay.
"Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon subalit nang dahil sa kanyang pagpapatiwakal, matutulad na lamang sya sa isang nilibing na aso. "Pr
   *Ezinma - anak na babae ni Okonkwo
   *G. Kiaga - interpreter
   *G. Brown - lider ng nga misyonero
   *Rev. James Smith - isang malupit at bugnuting misyonero.
   *Enoch - humablot sa takip ng mukha ng isang Egwugwu
   *Egwugwu - sumunog sa tahanan ni Enoch at simbahan ni Rev. Smith
 
VI. Tagpuan 
    -Ang tagpuan ng naturang nobela ay sa Nigeria. Dito makikita ang tribong Umuofia.

VII. Nilalaman o Balangkas ng mga pangyayari
    - Masasabi ko na ang nobelang ito ay maaaring mangyayari sa totoong buhay dahil ang tao ay may pakiramdam na kahit gaano ka man kataas o kahit gaano ka kagaling meron talaga tayong makikita na kahinaan maaari din ito maging masidhing damdamin. Naaayon ng nobela ang “isyu” sa isang lugar o bansa, dahil meron talaga tayong matatamo ng mga taong nagpapabagsak saatin. 

VIII. Paglapat ng teorya
    *Eksistensyalismo- pinapakita ng panitikam na may kalayan ang Fau na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili bilang kaniyang pananatili sa mundo
                                  - ipinapakita sa kwento ang desisyong ginawa ni Okonkwa na patayin ang kaniyang anak-anakan kahit labag sa kaniyang kalooban
    *Realismo- Ipinapakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may akda sa kaniyang lipunsn
                     - pinakita sa kwento na nagpatiwakal si Okonkwa kahit siya ay kilalang matapang at malakas na tao sa kanilang lugar. Nangyayari ito sa totoong buhay dahil lahat ng tao ay meron na kahinaan.
    *Dekonstruksyon- salungat ito sa mga nakagawiang siklo na nakakahon
                                - pinapakita ang pagbiglaan ng pagbago sa kwento, malakas si Okonkwa ngunit sa huli ito ay nagpakamatay.
    *Sikolohikal- ang panlabas na katangisn ni Okonkwa at ang pagbabago ng ugali nito katulad na lamang sa biglaang pagpatay niya sa anak-anakan at sa sarili.

IX. Buod
   - Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.

Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino.  Sa  maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay na  ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.

Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng  pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang.

Isang araw, lihim na ipinaalam  ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam  sa isasagawang iyon ng  kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo.  PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos.  Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali  kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito  at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.

Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si  Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam  ng konsensiya  si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito  ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng  malakas na putok ng baril ang maririnig  sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.  Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan  ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.

                Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw  ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.

                Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta.  Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa  simbahan. Lalong  hindi  maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong  ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.

                Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang  simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.

                Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.

Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya sa isang pagdinig sa korte subalit  natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo.  Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang nangyaring ito  sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.


Comments

Popular posts from this blog

Ang Munting Prinsipe (Pangkat 6)

Bawal ang Anak na Lalaki, Isang Epiko mula sa Congo