Long Walk to Freedom (Group7)
Long Walk to Freedom
(Sanaysay mula sa South Africa)
1.1 PAGKILALA SA MAY-AKDA
Si Mielad Al Oudt Allah ay nag-aral noon ng kaniyang Master's degree sa larangan ng politikanang likhain niya ang isang sanaysay patungkol sa libro ni Nelson Mandela na "Long Walk To Freedom". Ang nagudyok sa kaniya upang likhain ang sanaysay na ito ay maaaring dahil sa magandang pamumuno ni Nelson Mandela sa Africa at napukaw ang kanyang interes kung paano siya matututo sa isang magaling na pinuno.
1.2 URI NG PANITIKAN
Ang uri ng panitikan nito ay sanaysay. Ang isang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Ito
rin ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng
isang tao sa kanyang mga mambabasa.
1.3 LAYUNIN NG AKDA
Ang akda ay naglalayong ipamulat sa mga mambabasa na
patuloy na ipaglaban ang kanilang kalayaan at kinakailangan natin mag
antay lamang ng tamang pagkakataon para
tayo ay mahubog kung ano man tayo ngayon.
1.4 PAGLAPAT NG TEORYA
• Realismo- Lohikal at praktikal na
pangangatwiran sa tunay na mundo. Ipinapakita dito ang karanasan o pagtrato ng
iba sa mga maiitim na nangyayari din sa tunay na mundo ngayon
• Marksismo- Ang tao ay may kakayahang
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang ekonomiyang kahirapan at suliraning
panlipunan. Ipinapakita ditto ang pag angat ni Nelson Mandela sa buhay. Siya ay
nakapagtapos sa pag-aaral nang may BA Degree, nagtayo ng sariling kompanya at
naging pangulo ng South Africa buhat ng karanasan sa South Africa.
• Sosyolohikal- Naipapakita ang ugnayan ng tao sa lipunan. Ang pangunahing sliraning panlipunan ay kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan.
1.5 TEMA AT PAKSA
Ang tema o paksa ng akdang “Long Walk To Freedom” ay ang social inequality o ang hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan
sa lahi at kulay.
1.6 MGA TAUHAN AT KARAKTER
- Nelson Mandela- Ang pangulo ng South Africa na naghahayag ng kalayaan at pagkakapantay-pantay sa isa't-isa inihahayag niya rin na kailangan natin ng tamang pagkakataon para tayo ay mahubog at lumabas ang tinatago nating mga potensyal.
- Gadla Henry Mphakanyizwa-Siya ang ama ni Nelson Mandela at pinuno ng bayan ng Mrezo. ang maagang pagkamatay ng kaniyang ama ay naging dahilan kung bakit kinakailangan niyang umalis sa kinagisnang nayon at mamuhay sa bagong kapaligiran.
- Gobernador Mqhkezweni- Nakaimpluwensya kay Nelson Mandela sa diwa ng demokrasya na nagangahulugan ang lahat ay nagtatamasa ng kalayaan sa pagpapahayag at ang lahat ay pantay-pantay.
1.7 TAGPUAN AT PANAHON
- South Africa- Ang bansang pinamumunuan ni Mandela.
- Rehiyon ng Transkei- Dito isinilang ni Nelson Mandela.
- Bayan ng Mrezo- Pook kung saan namumuno ang ama ni Mandela na si Gadla Henry
- Unibersidad ng South Africa- Dito nagtapos si Mandela sa kursong Bachelor of Arts.
- Johannesberg- Pook kung saan nakatayo ang sariling kompanya ng panananggol (law firm) sa Johannesberg na nagbigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mga "itim" na kadalasang walang tagapagtanggol.
1.8 NILALAMAN AT BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Ang akda ay maituturing na nagaganap sa kasalukuyan dahil mayroong
paring mga tao na nakararanas ng kawalan ng kalayaan at diskriminasyon. Ang
pagkakaayos ng balangkas ay pormal sapagkat naipakita ng awtor kung paano tayo
matututo mula sa isang dakilang pinuno at sinunod ang karaniwang pagkakaayos
nito
1.9 KAISIPAN
• Dapat ipaglaban ang kalayaan sapagkat
ito ang ating tanging maituturing na atin at dapat lahat ng tao mayroong
tinatamasang kalayaan.
• Maghintay lamang ng tamang oras at
pagkakataon.
• Ang bawat isa’y may taglay na potensiyal
at dapat ito ay madunong at magamit sa mabuting paraan
1.10 ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA Ang estilo ng
pagkakasulat ay hindi gaanong masining upang maunawaan agad ng mga mambabasa
ang ibig iparating ng awtor sa kanila at para na rin maihatid sa utak ng
mambabasa ang ibig sabihin ng tinatamasa nilang kalayaan.
1.11 BUOD
- Ang
talambuhay ni Nelson Mandela ay nagbibigay-linaw sa kaniyang naging ambag
na ito at itinuturing na isang panawagin sa iba pang bansa sa daigdig na
sikaping makamit ang sariling tunay na kalayaan.
- Noong siya ay naging pangulo ng South Africa, siya ay nagtulampati sa kaniyang mamamayan na siya ay isang karaniwang tao na tulad nila at ang karanasan sa buhay na tagapaghubog na niya kung ano siya ngayon.
- Si
Nelson Mandela ay isang itim. Noong bata pa lamang siya ang kanyang tatay
ay namatay. Dahil sa pagkamatay ng
tatay niya at sa kagustuhan ng nanay niya na magkaroon siya ng magandang
kinabukasan, lumayo siya. Ang kanyang karanasan doon ay ang bumuo sa
kanyang pagkatao.
- Ayaw niyang pakasalan ang babaeng sinabing pakasalan niya kaya lumayo siya. Sumama siya sa kaibigan niya na naghahanap ng trabaho sa minahan ng karbon sa Johannesburg. At noong kaya niya nang tustusan ang sarili niya, nakapagtapos siya sa Unibersidad ng South Africa nang may BA Degree. Nagtayo siya ng kompanya na tumutulong sa mga itim at doon ay libre at mababang serbisyo ang ibinibigay.
- Lumaki
si Mandela sa lipunang naniniwalang ang puti ay nakahihigit sa lahi. Ang
kaisipang ito ay naikintal sa mga tao at kalaunan ay naipalimot na sa
kanila ang kanilang kalayaan, sa pagaakalang sila ay malaya.
- Sa
paglipas ng mga taon, naging mulat siya sa apartheid sa kaniyang bayang
Africa, na nagsimula sa Bantu
Education Act na paghahati-hati batay sa lahi, at nagtapos sa
diskriminasyong panlipunan, panghustisya at pampolitika.
- Dahil
ang kaniyang kabataan ay puspos ng
kaniyang pagmamahal sa mapanghamion
at naisasakatuparang imposible. Itinakda niya ang hangaring naging
kaibuturan, ang ipagtanggol at ipaglaban ang kalayaan South Africa.
Comments
Post a Comment