LIONGO (mito mula
sa kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Ibinuod ni Marina
Gonzaga-Merida
Sinuri ng ikalimang pangkat
1. PAGKILALA SA MAY AKDA
Ang akda ay isang mito kung kaya’t
walang katiyakan ang sumulat nito.
Sa kabilang banda, sinasabing ang mitolohiya ni Liongo ay parte ng kasaysayan ng Kenya Coast noong 1200 o sa huling bahagi ng 1600, dito nagmula ang konsepto ng “Matrilinear, Ozi, Patrilinear, Faza at Gala”
Sa kabilang banda, sinasabing ang mitolohiya ni Liongo ay parte ng kasaysayan ng Kenya Coast noong 1200 o sa huling bahagi ng 1600, dito nagmula ang konsepto ng “Matrilinear, Ozi, Patrilinear, Faza at Gala”
2. URI NG
PANITIKAN
Ang akda ay isang piksyon o kathang isip lamang. Ito ay gumamit ng
imahinasyon upang maipahayag nang masining ang akda. Sa paraang ito, napupukaw
ang atensyon ng mga mambabasa sapagkat hindi pangkaraniwan ang akdang ito. Ito
rin ay isang masining na paraan upang makilala ang dating sistema ng bansang
Kenya.
3. LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ng akda o gusto iparating ng may akda ay huwang basta bastang
magtitiwala sa kahit sino sapagkat sa bandang huli, lahat ay maaaring maging
traydor at ang pagiging malakas sa lahat ng bagay katulad ni Liongo. Kahit siya
ay nakulong nakagawa pa rin siya ng paraan upang makatakas.
4. TEMA O PAKSA
NG AKDA
Ang akdang ito ay masasabi kong makabuluhan sapagkat kapupulutan ito ng
mga aral na magagamit natin sa buhay. Ang tema ng akdang ito ay tungkol sa
pagtitiwala sa iba, kung sila ba ay dapat pagkatiwalaan o hindi, ang
pagkakaroon ng determinasyon upang malampasan ang mga pagsubok, at ang pagiging
matatag kahit ano pang mangyari.
5. MGA TAUHAN/
KARAKTER SA AKDA LIONGO
LIONGO
Si Liongo isang mitolohikal na bayani na isinilang sa
isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya. Siya may natatanging lakas
at kasintaas ng isang higante. Hindi siya nasasaktan o nasusugatan ng anumang
sandata ngunit kapag itinurok ang isang karayom sa kanyang pusod, siya ay
mamamatay. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla
ng Pate.
MBWASHO
Ina ni Liongo
SULTAN AHMAD
Si Sultan Ahmad ay pinsan ni Liongo at kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Siya ang kabuuang hari ng Pate at ang kanyang nais ay mawala si Liongo.
MBWASHO
Ina ni Liongo
SULTAN AHMAD
Si Sultan Ahmad ay pinsan ni Liongo at kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Siya ang kabuuang hari ng Pate at ang kanyang nais ay mawala si Liongo.
6. TAGPUAN/
PANAHON
Naganap ang kwento o mito Sa bansang Kenya, Silangang Africa, na isang totoong Lugar ngunit ang kwento/mito na Liongo ay pawang kathang-isip lamang at walang katotoohanan.
7.
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Ang pangyayari sa nasabing mito ay
pangkaraniwan sapagkat ang pangyayari ay kadalasang nangyayari sa iba pang mga
akda na kung saan ang mga taong itunturing mo pang pamilya ang magtataksil at
papatay sa iyo. Ang pagkakasunod-sunod nito ay maayos at madaling
naiintindihan, ang normal na pagkakasunod-sunod ng balangkas ng kwento ay
ginamit dito at kahit luma na ito ay kapupulutan pa rin ito ng aral.
8. MGA KAISIPAN
O IDEYANG TAGLAY NG AKDA MGA KAISIPAN O IDEYANG NAKAPALOOB SA AKDA:
- Ang Ina
mo lamang ang bukod tangi mong mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay o sa mga
sikretong mayroon ka.
- Hindi lahat ng kadugo mo ay mapagkakatiwalaan, minsan
kung sino pang kadugo mo ay siya pang naghahangad ng pagbagsak mo.
- Maging
matalino sa mga desisyong gagawin sa buhay upang hindi ka mapahamak.
9. ESTILO NG
PAGKAKASULAT NG AKDA
Ang akdang Liongo ay gumamit ng mga salitang payak at
mabababaw lamang kaya’t madaling maunawaan ito. Hindi rin ito nagkaroon ng
anumang bagay na maaaring makagulo sa takbo ng kwento. Ang manunulat ay walang
kinikilingan at nailathala nito ang panig ng bawat isa. Ito ay may kahalagahang
tutugon sa panlasa ng mambababasa at merong katangian ng isang mahusay na akda
sapagkat ang mitong ito ay tatatak sa isip mo sapagkat hindi naging masaya ang
katapusan ng akda.
TEORYANG
PAMPANITIKAN
Ang teoryang REALISMO ay maaaring mailapat rito sapagkat ang
pagtataksil sa kanya ng sarili niyang kadugo ay nangyayari talaga sa totoo
buhay. Ang mga taong tulad naman ni Sultan Ahmad na pipilitan kang pabagsakin
ay umiiral pa rin hanggang ngayon.
Maaaring ding ilapat ang teoryang
EKSISTENSYALISMO sapagkat mayroong kakayahan si Liongo na makapagdesisyon ukol
sa kanyang buhay, ang pagpasiya niyang tumakas ay nagpapatibay sa teoryang ito
sapagkat alam niya ang maaaring maging resulta ng kanyang pagtakas. Isa pang
halimbawa ay ang kaniyang anak na lalaki na pinili ang pagtataksil at pagpatay
sakanya.
Ang panghuling teorya na maaaring ilapat ay ang HISTORIKAL sa
kadahilang ito ay naisulat/nagpasaling dila noong unang panahon pa sa bansang
kenya.
10. BUOD
Si
Liongo ay isang bayani na may natatanging lakas at kasintaas ng isang higante.
Siya ay hindi nasasaktan o nasusugatan ngunit kapag siya ay natusok ng karayom
sa pusyo, siya ay mamamatay. Sa kabutihang palad, siya at ang kanyang Ina na si
Mbwasho lamang ang nakakaalam nito.
Si Liongo ay hari ng ilang lugar sa Isla ng
Pate ngunit ang kabuuang hari nito ay ang kanyang pinsan na si Sultan ahmad.
Nais ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo kaya’t binilanggo niya ito at
kinadena. Gumawa siya ng mahaba at papuring awitin na inawat ng tao sa labas ng
bilangguan at lumikha ng malakas na ingay na sumira sa kadena ni Liongo.
Nakatakas siya at nagtungo sa kagubatan. Nanirahan siya roon kasama ang mga
Watwa. Natuto si Liongo na pandayin ang kanyang kasanayan sa paghawak ng busog
at pana. Kalaunan siya ay nanalo sa paligsahan ng pagpapana na binalak ng hari
para siya ay mahuli. Siya nga ay nahuli ngunit muling nakatakas. Si
Liongo ay nagtagumpay sa pakikipaglaban sa Galla (Wagala) kung saan ang hari
nito ay nagpasyang ikasal ang kaniyang anak na babae kay Liongo. Sila ay
nagkaanak na lalaki na kalaunan ay nagtaksil at pumatay sakanya.
Comments
Post a Comment