Bawal ang Anak na Lalaki, Isang Epiko mula sa Congo
Bawal ang Anak na Lalaki
(No sons! A superhero Tale of Africa, Isang epiko mula sa Congo)
Ni Aaron Shepard (retold)
Isinalin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida
Pagkilala sa may akda-Siya ay pinanganak noong October 7, 1950.
siya ay nagaral sa paaralang: Attended Carleton College, 1968-69, at Humboldt State University, 1984-87.
nakatira siya sa Office—P.O. Box 2698, San Pedro, CA 90731. Agent—Barbara Kouts, P.O. Box 560, Bellport, NY 11713.
Profesyunal na mananalaysay at kumanta sa teatro noong 1985-1991 akda ng mga bata, 1987-. Nagtrabaho rin bilang isang publisher, mamamahayag, programista sa computer, musikero, gumagawa ng instrumento at tagapag-ayos, printer, at tindero, nagging membro din siya ng Society of Children's Book Writers and Illustrators, California Reading Association
Uri ng panitikan-Epiko,dahil ito ay nagpakita ng tradisyon ng isang bansa. Ito rin ay nagpakita ng kasaysayan at pinagmulan ng isang bansa.
Layunin ng akda-Ang akda ay nag lalayong magturo ng pag tanggap, pagmamahal at pag respeto sa kung ano mang aspeto o kasarian ng iyong anak maging lalake man siya o babae dapat ito ay iyong tanggapin dahil ito ay biyaya ng Diyos.
Paglalapat ng teoryang pampanitikan--Eksistensiyalismo
Nagdesisyon si mwindo na sa halip na latayin niya ang kanyang ama ay nakipag-ayos na lamang siya
-Humanismo
Binibigyang tuon ang kalakasan at kabutihan ng tao.Binigyang tuon ang kalakasan ni mwindo dahil sa kanyang hindi pangkaraniwan na katangian at kabutihan naman dahil mas pinili niyang buoin ang kanyang pamilya.
-Imahismo
Gumamit ang may akda ng mga larawan upang mas maintindihan ng mga mambabasa.
-Sosyolohikal
Makikita sa akda mas pinapahalagahan nila ang mga anak na babae kay lalaki at kung may ipanganak man na batang lalaki ay agad na pinapatay.
-Marksismo
Dahil hindi nagpagapi si mwindo sa kanya ama nang siya ay balak patayin at ng tumanda na siya ay binalikan niya ito.
Tema o paksa -Ang paksa/tema ay tungkol sa pag tanggap ng anak sa kahit na anong kasarian nito, pag impluwensya ng magandang asal, pag mamahal na walang hinihintay na kapalit, pag kalimot sa poot ng nakaraan.
Mga tauhan/ karakter sa akda-Ang karakter ay anyo ng mga taong di pa nalilikha sa panahong kinabibilangan, inihayag dito ang karanasan sa buhay tulad nang pagtatakwil at pagkabigo.
Tagpuan/panahon- Nabanggit sa epiko ang impluwensiya nang nakagisnang kultura ng isang bansa patungkol sa kasal na maaaring nakaimpluwensiya sa may-akda.
Matagal nang naisulat ang epiko ngunit ito ay nangyayari parin sa ibang bahagi ng ating mundo.
Balangkas -Ang ilang pangyayaring isinalaysay sa kwento ay ‘di pangkaraniwan. Halimbawa, ay ang pagsasalita ng anak na si Mwindo pagkakalabas pa lang sa sinapupunan ng kaniyang ina. Matutuhan mo rito na tanggapin at pahalagahan ang isang biyaya kahit ano pa ito.
Mga kaisipan/ o ideyang taglay ng akda-
• Ang paniniwala na ang pagkakaroon ng anak na lalaki ay magdudulot ng kahirapan.
• Dapat tanggapin at pahalagahan ang anak kahit ito man ay babae o lalaki, dahil isa itong biyaya.
Estilo ng pagkakasulat ng akda- Sa pagbasa ng akda, epektibo ang pagkakagamit ng mga salita dahil mabilis na naunawaan ng mga mambabasa ang nilalaman ng akda.
Ang nilalaman ng akda ay nanatiling maayos at masining. Nakadagdag linaw din ang paggamit ng imahe sa kwento.
Buod-
Ang istorya ay patungkol sa pagbabawal na magkaroon ng anak na lalaki ng isang datu. And datu ay mayroong pitong asawa. Ang anim niyang asawa ay nagluwal ng puro babae. Samantala ang paboritong niyang asawa ay nagluwal ng isang sanngol na lalaki. Mabilis na nakarating sa datu ang balita kaya agad itong nagplano kung paano niya papatayin ang kaniyang anak. Sa kabila ng lahat ng pagtatangkang pagkitil sa kaniyang anak ay lagi itong nakakaligtas. Sa huli, napagtanto ng datu na dapat niyang pahalagahan ang kaniyang anak maging babae man ito o lalaki.
Comments
Post a Comment